PNP, pinaiigting ang operasyon laban sa mga NPA na pumaslang ng pulis sa Negros

0
21
Screenshot

Pinaiigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon para tugisin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na responsable sa pamamaslang ng isang pulis at sibilyan sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental.

Noong December 7, pinaslang si Police Senior Master Sergeant Rommel Aguilar ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company matapos ang nangyaring palitan ng putok laban sa mga armadong kasapi ng NPA sa Barangay Menchaca ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng mga awtoridad, nagsasagawa ng operasyon ang mga kapulisan laban sa isang wanted na indibidwal nang paputukan umano sila ng anim na armadong lalaki, na nagresulta sa engkuwentro kung saan naiulat na nawawala si PSMS Aguilar na agad namang natagpuan ngunit wala ng buhay.

Nauna ng naiulat na may binaril din ang grupo na isang sibilyan na kinilalang si Mando Ugdiman, 58 taong gulang na noon ay naghahanda lamang para sa misa noong Linggo.

Ayon kay Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., nagdeploy na ang PNP ng karagdagang pwersa upang tugisin ang mga salarin at nagsasagawa na rin ng case-build laban sa naturang mga indibidwal, kasabay ng pagbibigay ng suporta sa pamilya ng mga nasawi.

Leave a Reply