Friday, January 24, 2025

HomeNewsPNP patuloy na tinitiyak ang hustisya sa insidente ng Pamamaril sa Oton,...

PNP patuloy na tinitiyak ang hustisya sa insidente ng Pamamaril sa Oton, Iloilo

Ipinapakita ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagtutok sa hustisya at pagsunod sa batas matapos ang insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng isang pulis mula sa Oton Municipal Police Station nito lamang ika-16 ng Agosto 2024. 

Ang naturang insidente ay naganap sa Barangay Sta. Rita, Oton, kung saan isang pulis ang namaril ng kanyang kasamahan sa inuman matapos ang isang mainit na pagtatalo habang sila ay nasa impluwensya ng alak.

Ayon kay Police Major Rolando Araño, tagapagsalita ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), kasalukuyang isinasagawa ang masusing imbestigasyon at paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa nasabing pulis na ngayon ay nasa kustodiya ng awtoridad.

Dagdag pa ni PMaj Araño, ang mabilis na aksyon ng kapulisan ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa kanilang hanay. 

Ang PNP ay determinado na panatilihin ang integridad ng kanilang organisasyon at tiyakin na ang mga sangkot sa anumang uri ng paglabag ay pananagutin sa ilalim ng batas.

Nais ng kapulisan sa Western Visayas na ipaalam sa publiko na ang ganitong mga insidente ay hindi kinukunsinti at patuloy nilang sinusubaybayan ang sitwasyon upang matiyak na ang bawat miyembro ng kanilang organisasyon ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan ng kanilang serbisyo.

SOURCE: K5 News FM Iloilo

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe