Friday, November 8, 2024

HomeNewsPNP, LGU, pinaigting ang operasyon laban sa mga POGO sa Central Visayas

PNP, LGU, pinaigting ang operasyon laban sa mga POGO sa Central Visayas

Mahigpit na nakikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa mga local government units (LGUs) habang hinahabol nila ang mga Philippine offshore gaming operators (POGO) sa Central Visayas, sinabi ng isang opisyal ng pulisya noong Biyernes.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, Spokesperson ng PRO 7, na ang mga LGU sa rehiyon ay makakatulong sa kanilang intelligence monitoring laban sa POGO operations.

Nakarehistro ang rehiyon ng limang POGO sa nakalipas na limang taon.  Gayunpaman, nalaman ng pulisya kamakailan na ang mga establisyimento ng pasugalan na ito ay hindi na operational.

“Noong sinubukan naming magsagawa ng validation, hindi na sila aktibo. Pero patuloy pa rin ang ating isinasagawang imbestigasyon para matukoy kung naroon pa ba sila o nagpatuloy na sa kanilang operasyon”, ayon kay PLtCol Pelare sa isang interview.

Samantala, inutusan ni Cebu City Acting Mayor Raymond Alvin Garcia ang Business Permit and Licensing Office sa pamumuno ni Terence Saavedra na suriin ang mga tala at dokumento ng lahat ng rehistradong negosyo sa lungsod.

“Ang BPLO ay dapat magsagawa ng onsite na inspeksyon ng BPO (business process outsourcing) at mga katulad na establisyimento na pinaghihinalaang nakikibahagi sa mga aktibidad na mala-POGO sa ilalim ng pagkukunwari ng mga lehitimong Negosyo”, ayon kay Mayor Garcia.

Nilinaw niya na sa 40,000 rehistradong negosyo ngayong taon, ang lungsod ay walang record ng POGO operations.

Ngunit idinagdag ni mayor Garcia na ang kanyang tanggapan ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa PNP at National Bureau of Investigation para tulungan sila sa pagpuksa sa POGO, at mga aktibidad na mala-POGO dito.

Source:PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe