Friday, November 22, 2024

HomeNewsPNP Central Visayas: Php2.5 Bilyon na Halaga ng Ilegal na Droga, Nakumpiska...

PNP Central Visayas: Php2.5 Bilyon na Halaga ng Ilegal na Droga, Nakumpiska sa Ilalim ng Bagong Pilipinas

Ang kampanya ng Bagong Pilipinas laban sa droga sa Central Visayas ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng ilegal na droga na tinatayang may halagang Php2.5 bilyon mula nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Marcos Jr, ayon sa pinakamataas na opisyal ng pulisya sa rehiyon noong Martes.

Pinasalamatan ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7 (Central Visayas), ang mga mamamayan ng Central Visayas para sa kooperasyon na kanilang ibinigay sa kapulisan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ipinakita ng mga record na nagsagawa ang mga operatiba ng pulisya sa rehiyon ng 14,033 operasyon mula Hunyo 30, 2022 hanggang Hulyo 31 ng taong ito.

“Of course, we give credit to the indispensable support of the community. We could not achieve that high an operational accomplishment without the support of the community,” sabi ni PBGen Aberin sa mga kalahok ng forum ng Bagong Pilipinas.

Ayon sa kanya, ang problema sa ilegal na droga sa Central Visayas ay nako-control, “as can be gleaned from the Php2.5 billion worth of drugs seized.”

“We cannot say that we are that successful in the fight natin. However, we can see that the Php2.5 billion worth of seized illegal drugs is a great reduction, and at the same time, the arrest of 17,059 drug personalities and clearing 71 percent of barangays means something,” dagdag pa niya.

Mula Hunyo 30, 2022 hanggang Hulyo 31, 2024, nakumpiska ng PRO-7 ang 360.6 kg. ng shabu at 270.9 kg. ng marijuana.

Sa ngayon, ang rehiyon ay may kabuuang Php1.2 bilyon na halaga ng ilegal na droga ang sinira.

Sinabi ni PBGen Aberin na ang Cebu ay nananatiling pokus ng mga operasyon laban sa droga dahil ito ay naging daanan ng mga ilegal na droga mula sa Luzon.

Ang tagumpay ng kampanya laban sa ilegal na droga sa Central Visayas ay patunay ng pagsusumikap ng kapulisan at suporta ng komunidad. Sa kabila ng mga tagumpay, ang rehiyon ay patuloy na magpupunyagi sa pag-aalis ng problema ng ilegal na droga at sa pagtiyak ng mas ligtas na komunidad tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe