Plano ng Sangguniang Panlungsod ng Talisay na magpataw ng pagbabawal sa plastic para mabawasan ang dami ng basura sa lungsod.
Ayon sa environmental solid waste management chairman na si Counsilor Lito Bacaltos, kailangan pa nilang pag-usapan kung ilang araw sa isang linggo ang pagbabawal.
“Ang aming plano ay ipagbawal ang plastic alinman sa dalawang beses o tatlong beses sa isang linggo,” saad nito.
Para sa kanya, ang kulang na lang sa pagpapatupad ng total ban ay ang pakikipag-ugnayan sa mga tao upang sila ay mabigyan ng kaalaman at maglagay din ng ilang paghihigpit sa pagtupad sa batas.
“Magpakita tayo ng halimbawa sa mga tao. Sana maging maganda ang kalalabasan dahil isa ito sa mga paraan para mapangalagaan ang kalikasan,” dagdag pa niya.
Sa takbo ng kanyang pagtatanong, sinabi ni Bacaltos na natuklasan niya na sa tuwing tumutugon ang mga miyembro ng Aksyon Agad Team sa mga baradong drains, kadalasang plastic ang pangunahing salarin.
Kung ang Pamahalaang Lungsod ay hindi makahanap ng solusyon sa problemang ito at kung hindi ito magpapatupad ng plastic ban, mas malaki ang paggastos nito, aniya.
Samantala, saad naman ng City of Talisay-Chamber of Commerce, Trade and Industry President Cyril Velaso at Vice President Jacyl Sato na pabor sila sa naturang panukala.
Ayon kay Velasco na sinusuportahan niya ang anumang panukala na mapapakinabangan ng karamihan, dagdag pa nito, na ang epekto ng pagbabago ng klima ay hindi lamang problema ng bansa kundi maging ng buong mundo.
Saad naman ni Sato, sinusuportahan niya ang panukala dahil isinusulong nito na mapanatili ang mga negosyo at matugunan ang problema sa basura ng lungsod.