Thursday, December 26, 2024

HomeNewsPlanong Rehabilitasyon ng Maharlika Highway, nakatakda na sa susunod na taon

Planong Rehabilitasyon ng Maharlika Highway, nakatakda na sa susunod na taon

Ibinunyag ni House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan sa isang eklusibong panayam ang ilan sa mga updates kaugnay sa planong pagsasaayos ng Maharlika Highway mula sa Allen Northern Samar hanggang sa Leyte.

Masayang ibinalita ni Nonoy Libanan na kinausap na nito si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bunuan na isama na sa ‘local funding’ sa ilalim ng General Approriations Act sa susunod na taon ang rehabilitasyon ng nasabing kalsada.

Aniya, bagamat ipinasok na sa Asian Development Fund Program ang pagpupondo sa pagsasaayos nito ay aabutin pa umano ng halos tatlo hanggang sa apat na taon ang bubunuin sa paghihintay dahil sa matagal na proseso ng paggawa ng plan at program of works kaya naman napagpasyahan na umano ng DPWH na inisyal na simulan na ito sa pamamagitan ng local funding sa susunod na taon.

Matatandaang naging maingay si Libanan sa 2023 Budget Deliveration ng Kongeso dahil sa masalimuot na sitwasyon ng Maharlika Road sa Samar na aniya’y masyado ng nakakahiya dahil tila napabayaan na ito.

Nitong nakaraang buwan ng Mayo ay kasama ang rehabilitasyon ng Maharlika Road sa mga paksa ng pagpupulong ng Regional Development Council na isinagawa sa Kongreso.

Umaasa ang Kongresista na makaraang maipasok ito sa National Budget ay masisimulan na ito sa lalong madaling panahon upang mapakinabangan sa pagbangon ng turismo at ekonomiya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe