Thursday, November 21, 2024

HomeRebel NewsPinuno ng CTG sa Eastern Visayas, arestado sa Bulacan

Pinuno ng CTG sa Eastern Visayas, arestado sa Bulacan

Nagsagawa ng operasyon ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP na humantong sa pagkakahuli kay Rosita Solayo Taboy alyas “Laling”, ang dating sekretarya ng Regional Organizational Department o ROD at miyembro ng Executive Committee o EXECOM ng Eastern Visayas Regional Party Committee o EVRPC sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong Mayo 26, 2023.

Si alyas “Laling” ay isa ring staff ng National Finance Commission ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF ay nahuli kasama ang kanyang asawa na si alyas “Beto” na isa namang demolition expert ng National Operations Command ng CPP-NPA-NDF.

Nasamsam ng mga operatiba sa kanilang pag-aari ang isang kalibre .45 pistol, isang kalibre .38 na pistol, commercial C4 bomb, blasting caps, samu’t saring cellphone, laptop at mga supersibong dokumento.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, si alyas “Laling at Beto” ang responsible sa maraming kalupitan na ginawa sa rehiyon ng Eastern Visayas, kabilang ang pagsunog ng Smart Communication Tower sa Catbalogan City, Samar noong Enero 6, 2000, ang pagpaslang kay Cafgu Active Auxillary o CAA Danilo Nuguit noong Setyembre 27, 2006, at ng pananambang sa mga tauhan ng military na nagresulta sa pagkamatay ng 10 sundalo at isang 9 na taong gulang na bata na sibilyan noong Disyembre 14, 2010.

Sa isang pahayag, sinabi ni Major General Camilo Z Ligayo, Commander ng 8ID na mas nakikita ngayon ang pagbagsak ng EVRPC dahil nahuli, sumuko o napatay na ang mga nangungunang pinuno ng mga ito.

Dagdag pa ni Ligayo, “Ang pag-aresto sa mag-asawa ay naging matagumpay dahil sa pinagsamang pagsisikap ng PNP at AFP sa paghahangad ng kapayapaan at seguridad sa bansa. Ito ay isang malaking pag-unlad sa pagkamit ng hustisya bilang parangal sa mga biktima ng karahasan na ginawa ng CPP-NPA sa Eastern Visayas.

Ang mga naarestong personalidad ay nahaharap sa maraming kasong criminal at may standing warrant of arrest para sa multiple murder na inisyu ng Municpal Trial Court o MTC ng Basey, Samar noong Oktubre 08, 1990, multiple frustrated murder na inisyu ng MTC ng Paranas, Samar noong Hulyo 11, 1895 at frustrated murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 21 sa Laoang, Northern Samar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe