Tuesday, December 24, 2024

HomeEntertainmentCulturePintaflores Festival, muling umarangkada sa San Carlos City, Negros Occidental

Pintaflores Festival, muling umarangkada sa San Carlos City, Negros Occidental

Muling umarangkada ang ika-30 taong selebrasyon ng Pintaflores Festival matapos ang dalawang taong pagkahinto nito sa lungsod ng San Carlos City nitong ika-5 ng Nobyembre 2022.

Pormal na binuksan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City sa pangunguna ng City Tourism Office ang naturang festival nitong nakaraang linggo lamang na ginanap sa Trade Fair Activity Area sa Center Mall.

Pinangunahan naman ni City Tourism Operations Officer Jennifer Saballa-Paran kasama si Councilor Victoriana Cabili at Marietta Lomocso, team leader ng City Environment Management Office ang isinagawang ceremonial ribbon cutting bilang hudyat ng 2022 Pintaflores Festival.

Ayon pa ni Paran, lubos na ikinatuwa ng lahat ng mga San Carloseños ang pagbabalik ng taunang selebrasyon matapos ang pagkahinto nito dulot ng pandemic.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga city officials, partner offices ng local government unit, at ng lahat ng mga sponsor upang maging matagumpay ang selebrasyon.

Kabilang sa mga highlight sa selebrasyon ang Indigay sa Talento Dance Battle Edition na nilahokan ng iba’t ibang grupo at ang Pinta Flores Steet dancing competition na nilahukan naman ng mga clustered barangay.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe