Tuesday, December 24, 2024

HomeNational NewsPinsala sa Agri Sector dulot ng Bagyong Paeng sa Western Visayas, umabot...

Pinsala sa Agri Sector dulot ng Bagyong Paeng sa Western Visayas, umabot na sa Php363 Milyon

Umabot na sa mahigit Php363 milyong halaga ng pananim at produktong pang-agrikultura ang napinsala sa pananalasa ni Bagyong Paeng sa buong Western Visayas nitong nakaraang linggo.

Ayon sa inilabas na progress report ng Department of Agriculture Region 6 (DA-6) base sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Emergency Operations Center, kabilang sa mga naapektuhan ang mga pananim na palay, mais at iba pang mga high value-crop na may total volume na 14,002 metric tons (MT), kung saan 10,000 MT nito ay sa palay lamang.

Sinabi rin ni James Earl Ogatis, Chief, DA-6 Regional Agri-Fishery Information Section, na kasalukuyan pa rin silang nakipag-coordinate sa mga apektadong local government para ma-validate pa ang kani-kanilang mga damage reports para sa pagkakaroon ng iba’t ibang rehabilitation plans.

Kabilang sa mga lubhang napinsala ang probinsya ng Iloilo, ang pangunahing taga-supply ng palay sa rehiyon, kung saan lubos na naapektuha ng bagyo ang mga palayan sa Passi City at ang mga bayan ng Lemery, Barotac Viejo, Zarraga, Calinog, San Rafael, Lambunao, Cabatuan, Balasan, Batad, Anilao at Dingle.

Lubos ding naapektuhan ang mga pananim sa mga bayan ng Jamindan, Pilar, Dao, President Roxas at Mambusao sa Capiz. Ganundin sa mga bayan ng Tibiao, Anini-y, Barbaza, Valderrama, Tobias Fornier, San Remegio, San Jose at Patnongon sa lalawigan ng Antique.

Sa lalawigan naman ng Aklan, patuloy pang minomonitor ang mga pinsala sa mga bayan ng Altavas, Banga, Ibajay, Kalibo, Lezo, Madalag, Tangalan, Malay, Nabas at Numancia.

Sa Negros Occidental naman nakapagtala din ng pinsala sa mga palayan at mga pananim sa mga lungsod ng Sipalay, San Carlos, Sagay, Himamaylan, Talisay at Cadiz kasama ang mga bayan ng Toboso, Valladolid, Calatrava, San Enrique, Moises Padilla, Pulupandan, Hinoba-an at Cauayan.

Samantala inabisohan naman ni Ogatis ang mga apektadong magsasaka na magpasa ng report sa kani-kanilang local agriculture office para maka-avail sa indemnity claims ng Philippine Crop Insurance Corp o (PCIC).

Ngunit kung hindi sila insured sa PCIC pwede pa rin silang makakuha ng assistance gaya ng seeds assistance kung kasama sila sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe