Thursday, December 26, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPinakaunang bamboo fair sa Negros Occidental, inilunsad

Pinakaunang bamboo fair sa Negros Occidental, inilunsad

Bacolod City-Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng lalawigan ng Negros Occidental ang pinakaunang bamboo fair sa probinsya nitong ika-26 ng Setyembre 2022 sa Ayala Malls Capitol Central’s Activity Center sa Bacolod City.

Layunin ng nasabing kaganapan ang imulat ang mga Negrense sa kahalagahan ng kawayan at upang hikayatin ang mga lokal na mga negosyante na bigyang pansin ang pagnenegosyo gamit ang kawayan.

Nais ng lalawigan na sa pamamagitan ng parehong mga inisyatibo, ay magkaroon ang probinsya ng produktibo at tuloy-tuloy na bamboo industry kung saan pwedeng bilhin ng kahit sinuman sa probinsya.

  Dumalo sa paglulunsad sina Governor Eugenio Jose Lacson, Board Member Rita Gatuslao, Provincial Administrator Atty. Rayfrando Diaz, Architect Mary Joy Amar, focal person ng First Bamboo Fair, mga miyembro ng Special Project Team, at ng Provincial Cooperative Development Coordinator Dr. Edmund Chris Acosido.

Samantala, umaasa naman Si Governor Lacson na ang naturang gawain ay maging hudyat sa lahat ng mga Negrense na pahalagahan at ipagpatuloy ang pagtatanim ng puno ng kawayan, hindi lamang upang mapaganda ang kapaligiran kundi pati na rin sa pagpapanatili ng sapat na supply ng tubig sa probinsya.

Ang naturang aktibidad ay bahagi rin sa selebrasyon nng Proclamation No. 1401 Series of 2022, kung saan idineklara ang buwan ng Setyembre bilang Philippine Bamboo Month, na may temang: “Industriyang Kawayan, Para sa Paglago ng Ekonomiya at Kalikasan.”

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe