Thursday, December 26, 2024

HomeNational NewsPinakamataas na kaso ng Dengue sa Central Visayas, naitala sa Cebu

Pinakamataas na kaso ng Dengue sa Central Visayas, naitala sa Cebu

Mula sa apat na probinsya at tatlong highly urbanized na lungsod sa Central Visayas, naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue sa lalawigan ng Cebu simula Enero 1 hanggang Agosto 6 ngayong taon.

Nakapagtala ang Central Visayas Center for Health Development Communications Management Unit ng kabuuang 11,103 dengue cases at 71 casualty sa buong rehiyon.

Ayon sa datos, nasa kabuuang 4,237 ang naitalang kaso mula sa lalawigan ng Cebu, 2,049 mula sa Cebu City, 1,216 mula sa Lapu-Lapu City habang 585 naman mula sa Mandaue City, pinakamarami kompara sa mga karatig probinsya nito.

Nakapagtala lamang ng 1,726 dengue cases ang lalawigan ng Bohol, 1,129 naman mula sa Negros Oriental, at 90 dengue cases naman mula sa island province ng Siquijor.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe