Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsPinakamalaking power distributor sa Cebu, nag-anunsyo ng P0.86/kWh ng pagtaas ng kuryente

Pinakamalaking power distributor sa Cebu, nag-anunsyo ng P0.86/kWh ng pagtaas ng kuryente

Inihayag ng Visayan Electric Company (VECO) nitong Martes, Mayo 14, 2023 ang pagtaas ng Php0.86 kada kilowatt-hour (kWh) para sa mga residential consumer sa kanilang nasasakupan sa Metro Cebu.

Sa isang advisory, sinabi ng tagapagsalita ng Visayan Electric Company (VECO) na ang pagtaas ay katumbas ng 7.3 porsiyento mula sa Php11.28 kada kWh noong nakaraang Abril hanggang Php12.1 kada kWh ngayong Mayo.

“The increase is attributed to high generation rates due to price hikes in the Wholesale Electricity Spot Market (WESM)”.

Ang bagong rate ay ipapatupad sa mga bill na matatanggap mula Mayo 13 hanggang Hunyo 12, 2024.

Noong Abril, naglabas ng ilang yellow at red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa isyu ng power supply sa Luzon at Visayas grids.

Ayon kay Raul Lucero, Visayan Electric President at Chief Operating Officer, ang generation rate ay mga pass through charges na binabayaran sa mga power generation companies sa pamamagitan ng WESM.

Noong Martes, inilagay ng NGCP ang grid ng Visayas sa yellow alert mula 1 P.M. hanggang 4 p
P.m. at 6 P.M. hanggang 9 P.M., na nagpapahiwatig na ang operating margin ng isang grid line ay hindi sapat upang matugunan ang mga kinakailangan sa contingency.

Isa sa mga epekto ng weather phenomenon ay sobrang tag-init o El Nino na nagdudulot ng sobrang tagtuyot, kakulangan ng supply sa tubig ganon din sa power supply o kuryente. Ang ating pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng hakbang para solusyunan ang mga ganitong suliranin para hindi maka-apekto sa ating mga kababayan at nagsisikap para mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino para sa Bagong Pilipinas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe