Friday, November 22, 2024

HomeNewsPilipinas nakuha ang ikaapat na kampeonato sa World Cup of Pool

Pilipinas nakuha ang ikaapat na kampeonato sa World Cup of Pool

Nakuha ng Pilipinas ang ikaapat na kampeonato sa World Cup of Pool na ginanap sa Lugo, Spain nitong Hulyo 2, 2023.

Sa score na 11-7, itinanghal na panalo sina Johann Chua at James Aranas laban sa kanilang katunggali mula sa bansang Germany na sina Joshua Filler at Moritz Neuhausen sa katatapos lamang na 2023 World Cup of Pool 9-ball Championship.

Sina Chua at Aranas ang pangatlong Pilipinong pares na nanalo sa taunang nine-ball tournament para sa doubles teams, na sumunod kay Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante na nanalo noong 2006 at 2009; at Dennis Orcollo at Lee Vann Cortez na nanalo naman noong 2013.

Si Johann Chua ay lumaki sa Bacolod City at isa sa mga opisyal na miyembro ng Philippine team na nakakuha ng gintong medalya sa 2021 Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam. Habang si James Aranas naman ay lumaki sa Gainesville, Virginia at isa ring professional pool player.

Bago pa man makaabot sa final round ang dalawa, nauna na nilang tinalo ang defending champion na sina David Alcaide Bermudez at Francisco Sanchez Ruiz ng bansang Spain sa kanilang opening-round clash; sina Ko Pin-yi at Ko Ping-chung mula Chinese Taipei; at sina Albin Ouschan at Mario He ng bansang Austria, na siya namang nanalo noong 2017 at 2019.

Kasalukuyan namang hawak ng Pilipinas ang may pinakamaraming kampeonato sa nasabing pandaigdigang paligsahan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe