Thursday, January 23, 2025

HomePhp96B na proyekto para sa Cebu, inaprubahan ng PDC

Php96B na proyekto para sa Cebu, inaprubahan ng PDC

Inaprubahan ng Cebu Provincial Development Council (PDC) ang Php96 bilyong halaga ng mga programa at proyekto ng 21 National Government Agencies (NGA) na dapat ipatupad sa 2024.

Ang pamunuan ng PDC na si Gov. Gwendolyn Garcia, ay mag-eendorso ng mga proyekto sa Regional Development Council (RDC 7) para maaprubahan.

Nakipagpulong ang gobernador sa mga kinatawan ng NGAs at government-owned and controlled corporations (GOCCs) noong Abril 27, 2023, upang talakayin ang Provincial Ordinance 2023-02, na nag-aatas sa kanila na kumunsulta, makipagtulungan at humingi ng pag-apruba ng Provincial Board sa mga programa at mga proyektong kanilang ipapatupad.

“Umaasa kami na ang mga bagay-bagay ay hindi na kailangang mauna dito sa oras na ganap na nating maipatupad ang Provincial Ordinance 2023-02. Bakit natin ito ginagawa? Kay kita man diri, we are the ones on the ground and we are answerable to the people,” ang pahayag ng gobernadora sa mga kinatawan ng NGAs.

Hindi bababa sa 60 NGA at GOCC na nakabase sa Cebu ang dumalo sa forum sa Provincial Capitol.

Sinabi ni Daanbantayan Mayor Sun Shimura, presidente ng League of Municipalities in the Philippines-Cebu Chapter, na naging matagumpay ang forum dahil wala sa mga NGA ang tumutol sa pagpapatupad ng Provincial Ordinance 2023-02.

Dagdag pa ni Shimura, kailangang magkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng Kapitolyo at ng mga NGA upang umunlad ang Cebu Province.

Hindi pa ibinubunyag ng PDC ang mga alokasyon ng naaprubahang badyet at kung aling NGA o proyekto ang tatanggap ng bulto nito.

Ang mga naaprubahang programa ay inirekomenda sa Cebu Provincial Planning and Development Office, ngunit ang mga detalye ng ulat ay hindi pa naisapubliko.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe