Thursday, December 26, 2024

HomeNewsPhp9-M President Bridge Project, mapapakinabangan na ng mga magsasaka at residente ng...

Php9-M President Bridge Project, mapapakinabangan na ng mga magsasaka at residente ng Eastern Samar

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magsasaka at residente sa National Government sa natapos na proyekto ng President’s Bridge for Sustainable Agricultural Development sa Brgy. Sta. Rosa, Balangiga, Eastern Samar.

Pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), ang inagurasyon at turnover ng tulay noong Enero 27 sa munisipalidad ng Balangiga, sa pangunguna ni Mayor Dana Flynch De Lira.

“This is a very historic moment for barangay Santa Rosa, for having the first concrete bridge through the Tulay ng Pangulo project. This event is a symbolism where the town of Balangiga can cross from the state of poverty to progress”, sabi ni De Lira.

Ang Cambukol Bridge ay makikinabang ang kabuuang 14,341 residente, kabilang ang 823 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng Balangiga Agrarian Reform Communities kabilang na dito ang pitong barangays mula sa . Poblacion 1, San Miguel, Cansumangcay, Sta. Rosa, Cag-olango, Guimaayohan and Baciao.

“We are very happy with this project. It will surely promote rural development in the ARCs in this region. Thank you to the Department of Agrarian Reform (DAR) and DPWH,” ani Danilo Abigan, Brgy. Chairman ng Sta. Rosa.

Sinabi ni Abigan na ang tulay ay magbibigay ng mas madaling access sa mga ARB upang dalhin ang kanilang mga produktong sakahan sa merkado kumpara sa lumang tulay na gawa lamang sa kahoy na naging dahilan upang aksidenteng mahulog sa ilog ang ilan sa mga residente.

Sinabi ni Estrella na isa na naman itong milestone ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Our President is fulfilling his promise to provide support services to the ARBs. Whereas before you had difficulty in transporting your products, now you have the Tulay ng Pangulo project to ease your transportation problems”, dagdag pa niya.

Ayon naman kay Robert Anthony Yu, DAR Eastern Visayas Regional Head, ang Cambukol Bridge na nagkakahalaga ng Php9 milyon ay mayroong 28 linear meter, 2-lanes, 1-span prefabricated modular steel technology na ibinibigay ng French government.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe