Friday, September 20, 2024

HomeNewsPhp816K halaga ng shabu, nasabat sa Drug Pusher sa Palo, Leyte

Php816K halaga ng shabu, nasabat sa Drug Pusher sa Palo, Leyte

Nahuli ang isang High-Value Target na drug pusherl sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Pawing, Palo, Leyte, noong Setyembre 17, 2024.

Nakilala ang suspek na si alyas Hero, 39 anyos, na residente ng Brgy. 95, Caibaan, Tacloban City.

Ang operasyon ay pinangunahan ng PNP Drug Enforcement Team kasama ang PDEA kung saan nakabili sa suspek ng isang sachet na umano’y shabu na nagkakahalaga ng Php500.

Matapos ang operasyon, nakuha pa sa suspek ang karagdagang apat na sachet ng droga. Ang lahat ng ebidensya na nakuha ay may kabuuang bigat na 120 gramo at may tinatayang halaga sa merkado na Php816,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe