Friday, January 24, 2025

HomeNational NewsPhp800M na pondo, nakuha ng 37 Muncipalities sa Region 8

Php800M na pondo, nakuha ng 37 Muncipalities sa Region 8

Tacloban City – Nagbigay ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Php800 milyong halaga sa mga local government units para sa Support to Barangay Development Program (SBDP) sa 200 barangay na sa ilalim ng 2022 allocation.

Ang pondo ay gagamitin para sa 266 na proyekto sa 37 bayan sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte.

“Na-download na ang mga pondo para sa 2022 SBDP sa kani-kanilang account ng 37 benepisyaryo na munisipyo. The municipal local governments are the implementing units”, ayon DILG Eastern Visayas Regional Office nitong Huwebes, Nobyembre 3, 2022.

Bawat barangay ay nakakuha ng Php4 milyon na gagamitin para sa pagtatayo ng mga farm-to-market roads, health stations, rural electrification, school buildings, at water and sanitation system.

Ayon sa DILG, ang 2022 allocation ay maaaring gamitin hanggang sa katapusan ng 2023.

Ang mga gagawing proyekto ay ayon sa mga pangangailangan ng mga residente na natukoy habang nagsasagwa ng retooled community support program, isang convergence mechanism para sa mga lokal na pamahalaan sa bayan upang matukoy ang mga isyu at kailangang mga interbensyon ng gobyerno.

Sa 200 na mga bayan, 45 ay sa Southern Leyte, 41 sa Leyte, 23 sa Northern Samar, 87 sa Samar, at apat sa Southern Leyte.

Ang mga komunidad na ito ay dati nang naimpluwensyahan ng New People’s Army, ayon sa DILG.

Ang 200 na mga bayan ay ang ikalawang batch ng mga lugar na pinondohan na SBDP.

Ang unang batch ay nakakuha ng Php120 milyon na budget noong huling bahagi ng nakaraang taon, na sumasaklaw sa anim na barangay sa Northern Samar.

Ang SBDP, isang programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na naglalayong mapaunlad ang mga dating komunidad na nasakop ng mga makakaliwang grupo.

Ang NTF-ELCAC, na nilikha sa ilalim ng Executive Order 70 na inisyu noong Disyembre 4, 2018, ay naatasang “magbigay ng isang mahusay na mekanismo at istraktura para sa pagpapatupad ng whole-of-nation approach upang tumulong sa pagsasakatuparan ng mga sama-samang adhikain para sa inklusibo at napapanatiling kapayapaan”.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe