Thursday, November 7, 2024

HomeSportsPhp7.9M Financial Assistance sa DepEd Schools Division ng Iloilo, handog ng Iloilo...

Php7.9M Financial Assistance sa DepEd Schools Division ng Iloilo, handog ng Iloilo Provincial Government

Itinurn-over ng Lokal na Pamahalaan ng Iloilo ang Php7.9 Milyon na tulong pinansyal sa Department of Education Schools Division ng Iloilo para sa delegasyon ng probinsya sa Palarong Pambansa 2024 na gaganapin sa Hulyo 9-16, 2024 sa lungsod ng Cebu.

Ibinigay ni Ms. Freda Sabanal-Fajardo, Kalihim ng Provincial School Board, ang tseke sa mga opisyal ng DepEd Schools Division ng Iloilo nito lamang ika- 5 ng Hulyo 2024.

Noong nakaraang taon, ang Igbaras Baseball Team (elementary category) ang kumatawan sa mga Ilonggo sa nasabing paligsahan.

Ang Palarong Pambansa ay isang taunang ‘multi-sport event’ na binubuo ng mga estudyanteng atleta mula sa 17 na rehiyon sa Pilipinas.

Nagsimula ito noong 1948 na inorganisa at pinamahalaan ng Department of Education.

Naglalaban-laban ang mga estudyanteng atleta mula sa pampubliko at pribadong paaralan at elementarya at sekondarya, kung sila ay kwalipikado at nanalo sa kanilang regional meet.

Ngayong taon, target ng Western Visayas na maiuwi ang korona ng Palarong Pambansa matapos na maging pangalawa sa 2023 national sports event.

Source: Radyo Pilipinas Iloilo

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe