Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsPHP7.3 milyong halaga ng shabu, nasamsam ng Cebu City PNP

PHP7.3 milyong halaga ng shabu, nasamsam ng Cebu City PNP

Isang operasyon laban sa iligal na droga ang ikinasa ng pulisya sa Barangay Sawang Calero na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang babae at ang kanyang kasama, at nasamsam ang tinatayang PHP7.3 milyong halaga ng “shabu” noong Huwebes, Agosto 8, 2024.

“Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sawang Calero Police Station 6 ang mga suspek at nahaharap sa kasong pagbebenta at possesion ng ilegal na droga” sabi ni Police Captain Jay Soto Palcon, Chief ng Cebu City Police Station 6, sa isang pahayag noong Biyernes.

Ang mga nahuli ay kinilalang sina “Sabel,” 37, at isang 38-taong-gulang na lalaki, parehong mula sa Talisay City, at nakumpiska sa kanila ang higit sa isang kilo ng hinihinalang shabu.

Kasama sa operasyon ang mga tauhan mula sa Cebu City Police Intelligence Unit at Regional Intelligence Unit-7.

Pinuri ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang Cebu City Police sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga.

“We will ensure that airtight cases will be filed to ensure the conviction of these arrested suspects,” dagdag pa niya.

Ang matagumpay na operasyon na ito ay nagpapakita ng pagtaas ng antas ng aksyon ng Cebu City PNP sa paglaban sa iligal na droga. Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng administrasyon na naglalayong mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng masigasig na pag-uusig sa mga sangkot sa ilogal na droga. Sa ganitong paraan, sinisikap ng gobyerno na makamit ang mas ligtas at mas maayos na komunidad para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe