Sampung rehiyong na apektado ng El Niño ang nakatanggap ng humigit-kumulang Php541 milyon halaga ng tulong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nito lamang ika-2 ng Mayo 2024.
Ayon sa pinakabagong impormasyon, ang NDRRMC Regions 2 (Cagayan Valley), 4-B (MIMAROPA), 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 7 (Central Visayas), 8 (Eastern Visayas), 9 (Zamboanga Peninsula), 12 (Soccsksargen), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang Cordillera Administrative Region ay nakatanggap ng tulong na binubuo ng family food packs, bigas, gasolina, roofing sheets, generators at hygiene kits.
Ang El Niño phenomenon ay nananatiling aktibo at inaasahang magpapatuloy hanggang Mayo 2024, ayon sa weather bureau.
Hindi bababa sa 131 lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng El Niño phenomenon, dahil karamihan sa mga lugar ay nakararanas ng tagtuyot.
Una rito, inatasan ng El Niño Task Force, na pinamumunuan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tiyakin ang kaligtasan sa sunog ng mga pampublikong ospital at public health facilities.
Ayon pa sa kanya, ang BFP ay “dapat tiyakin ang isang ligtas na kapaligiran” lalo na para sa mga naghahanap ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, medical-related professionals at manggagawa.
Source: PNA
Panulat ni Let