Tuesday, May 20, 2025

HomeNewsPhp50.1M halaga ng ipinagbabawal na droga, nasamsam sa 12-araw na operasyon ng...

Php50.1M halaga ng ipinagbabawal na droga, nasamsam sa 12-araw na operasyon ng PRO-7

Umabot sa Php50.1 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng Police Regional Office 7 (PRO-7) sa isinagawang 12-araw na anti-criminality at law enforcement operation mula Abril 30 hanggang Mayo 12, 2025.

Isinagawa ang pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) bilang bahagi ng paghahanda ng pulisya para sa mapayapa at maayos na Pambansa at Lokal na Halalan ngayong taon.

Batay sa datos ng PRO-7, kabuuang 8,848.19 gramo ng shabu ang nasamsam, na may tinatayang halagang Php50,167,692, kasama pa ang 7 gramo ng marijuana.

Nagsagawa ang pulisya ng 204 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 251 katao na sangkot sa iligal na droga.

Bukod dito, 160 wanted persons ang naaresto, kabilang na ang 23 sa mga most wanted sa rehiyon.

Nagpatuloy rin ang kampanya laban sa loose firearms kung saan 75 na hindi lisensyadong baril, isang granada, at 208 bala ang nakumpiska.

Pinalakas pa ng PRO-7 ang kanilang checkpoint operations, patrol deployment, at intelligence-based interventions upang maiwasan ang anumang insidente na may kaugnayan sa halalan.

Dahil dito, naging mapayapa at maayos ang takbo ng halalan sa buong rehiyon ng Central Visayas. Walang naitalang major election-related incident.

Pinuri ni Police Brigadier General Redrico Maranan, Regional Director ng PRO-7, ang determinasyon at dedikasyon ng kanyang mga tauhan sa pagpapanatili ng kaayusan.

“I commend the unwavering commitment and professionalism of our men and women in uniform who worked around the clock to protect our communities and secure the electoral process. These accomplishments are a clear reflection of our operational readiness and deep sense of duty to serve with integrity and excellence,”pahayag ni Maranan.

Tiniyak rin ni Maranan na magpapatuloy ang operasyon laban sa kriminalidad kahit tapos na ang eleksyon.

“As we transition into the post-election phase, PRO 7 will continue its intensified law enforcement efforts to prevent the resurgence of criminality and ensure a safe environment for all. Together with our partners and the community, we remain steadfast in our mission to uphold peace, order, and the rule of law throughout Central Visayas,” dagdag niya.

Source: AYB/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]