Friday, November 29, 2024

HomeNewsPhp40.79M, inilabas ng Gobyerno para sa mga apektado ng Shearline sa Northern...

Php40.79M, inilabas ng Gobyerno para sa mga apektado ng Shearline sa Northern Samar

Tacloban City – Nakapaglabas na ng Php 40.79 milyon ang pambansang pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Northern Samar noong nakaraang taon, batay sa iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office nitong Lunes Enero 29, 2024.

Nasa 13,418 pamilya ang apektado ng shearline sa lalawigan ang nakinabang sa emergency cash transfer, ayon kay DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua sa isang phone interview.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng Php3,040 sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng DSWD.

“ECT is an unconditional cash support for early recovery. The payout to the affected families in Northern Samar will continue in the coming days, as directed by DSWD Secretary Rex Gatchalian, to ensure the early recovery and rehabilitation of those affected,” sabi ni Chua.

Ang mga local government units at tauhan ng DSWD ang nagbigay ng listahan at nag validate ng mga karapat-dapat na makatanggap ng tulong.

Ang ECT ay isang unconditional cash grant na maaaring gamitin ng benepisyaryo para sa anumang layunin na makakatulong sa kanilang pang araw araw na pangangailangan para sa pag aayos ng kanilang nasirang bahay.

“The DSWD expects to complete the ECT payout in Northern Samar before the end of February”, dagdag ni Chua.

Ang cash aid ay nakikita bilang isang adaptive strategy para makapagbigay nang agarang tulong, matugunan ang humanitarian response at early recovery support sa pamamagitan ng pagbibigay ng unconditional cash sa mga biktima ng mga kalamidad at mga sitwasyong pang emergency na nangangailangan ng mga interbensyon.

Ang malawakang pagbaha noong nakaraang Nobyembre ay nakaapekto sa 609,870 katao sa 691 barangay sa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at Southern Leyte.

Ang napakalaking baha ay sumira ng mga 57 bahay at bahagyang nasira ang 249 iba pa.

Ang matinding pagbaha sa Northern Samar ay dulot ng 618 milimetro na pag-ulan sa loob ng 24 oras, o katumbas ng halos anim na linggong dami ng ulan sa loob ng isang araw.

Wala pang anunsyo ang DSWD kung magkakaroon ng ECT payout sa ibang apektadong probinsya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe