Saturday, September 21, 2024

HomeNational NewsPhp4.59M halaga ng Shabu, nasabat sa Bacolod City; 2 High Value Individual,...

Php4.59M halaga ng Shabu, nasabat sa Bacolod City; 2 High Value Individual, arestado

Bacolod City- Nasabat ng mga operatiba ng Bacolod City Police (BCPO)  City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang tinatayang Php4.59 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu sa dalawang nahuling suspek sa ikinasang buy-bust operation nitong Sabado, Setyembre 24, 2022.

Kinilala ng pulisya ang mga nahuling suspek na si Anthony “Tiboy” Solon, 38, residente ng Purok Riverside, Barangay Bata at Erwin “Boy” Belonio, 34, residente ng Zone 11, Barangay Handumanan.

Ayon sa pulisya, si Solon at Belonio ay kabilang sa mga High Value Individuals.

Nasakote ang mga suspek bandang 12:30 ng madaling araw matapos nilang magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng Php3,000 sa isang police poseur buyer.

Nakuha mula sa kanila ang anim na plastic bags at 10 heat-sealed sachets ng shabu na tumitimbang ng 675 na gramo at may standard drug price na Php4.59M.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe