Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsPhp4.4 bilyong loan mula sa DBP, naaprobahan para sa Bacolod City

Php4.4 bilyong loan mula sa DBP, naaprobahan para sa Bacolod City

Tuluyan ng naaprobahan ang Php4.441 bilyong loan ng Lokal na pamahalaan ng Bacolod mula sa Development Bank of the Philippines (DBP) para sa 17 proyekto nito na inaasahang magpapasigla sa lokal na ekonomiya ng lungsod.

Nito lamang Huwebes, Abril 27, 2023, pinirmahan ni Mayor Alfredo Abelardo Benitez at ni DBP President at Chief Executive Officer na si Michael de Jesus, ang mga dokumento at katunayan ng nasabing kasunduan na ginanap sa Government Center lobby ng lungsod.

Ayon kay Mayor Benitez, ang pagtatayo ng mga imprastraktura ay ang pinakamabilis na pamamaraan upang mas pasiglahin pa ang ekonomiya ng lungsod. Dagdag pa niya, na sinunod lamang nila and stratehiyang ito mula sa national government.

Kabilang sa nasabing mga proyekto ang pagbibili ng lote na nagkakahalaga ng Php1.15 billion; pagtatayo ng legislative building na nagkakahalaga ng Php515 million; Php135 million para sa pagtatayo ng mini hospital sa limang barangay; Php223 million para sa rehabilitasyon ng Old Hall; Php525 million para sa rehabilitasyon ng mga public market; Php270 million para sa konstraksyon at pagsasaayos ng mga kalsada; Php300 million para sa pagsasaayos ng iba’t ibang drainages; at Php50 million para sa pagpapa-aspalto ng iba’t ibang mga kalsada.

Kabilang din sa mga proyekto ang pagtatayo ng Bacolod warehouse na may budget na Php67.9 million; konstrakyon ng city engineering motorpool area (Php30.8 million); pagpapaganda ng tree park sa Barangay Alangilan (Php47 million); konstraksyon ng pedestrian mall (Php50 million); at pagpapaganda ng City Health Office complex (Php220 million).

Kasama rin sa pinundohan ang recovery and recycling complex and ecopark (Php103 million); pagkakaroon ng karagdagang mga furniture and equipment (Php279.3 million); solar power generating system para sa mga barangay at Bacolod City Government Center (Php100 million); at pagkakaroon ng karagdagang mga traffic signalization (Php25 million).

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe