Pinangunahan ni Senador Bong Revilla katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar sa pangunguna ni Governor Ben Evardone ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD, nitong Biyernes, September 15, 2023 sa Prov’l. Capitol Gym, Lungsod ng Borongan.
Nasa dalawang libong indibidwal mula sa 20 na mga barangays sa Lungsod ang tumanggap ng tig- Php1, 500 tulong pinansyal na umabot ng halos Php3 Milyon.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Governor Ben Evardone na bukod sa tulong pinansyal ay meron naring mga nakalinyang proyekto ang Senador para sa lalawigan tulad ng Ospital at Farm to Market Road sa lalawigan.
“Ang tutulong sa pondo ay si Sen. Bong, at mga farm to market road, dahil siya ang chairman ng committee on public works sa Senado,” pahayag ng gobernador.
Ang naturang pagbisita ay bahagi ng mga aktibidad ng Senador kaugnay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Setyembre 25.