Nakatanggap ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ng kabuuang Php3.8 milyon na tulong pinansyal mula sa gobyerno sa ilalim ng Local Social Integration Program (LSIP) at Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Camp Lukban, Catbalogan City, Samar nito lamang nakaraang Linggo.
Sa kabuuan ay mayroong 77 na dating rebelde ang nakatanggap ng parehong tulong pinansyal na personal na ibinigay ni Samar Governor Sharee Ann Tan, kasama ang 8th Infantry Division Commander, Maj. Gen. Camilo Ligayo, EO 70 Region Focal Person, Laarni Grabador, at Department of Interior and Local Government Provincial Director, Judy Batulan.
Sa ilalim ng LSIP, Php25,000 financial assistance para sa transition ng mga surrenderees, Php50,000 para sa kabuhayan, at Php25,000 para sa mga isinukong armas. Samantala, tig-Php20,000 sa ilalim ng SLP.
Dagdag pa rito, patuloy na hinihimok ng militar ang mga rebelde na sumuko at bumalik sa gobyerno.