Sunday, November 17, 2024

HomeNewsPhp3.4-M cash aid, inilaan ng Bacolod City para sa mga educational scholar

Php3.4-M cash aid, inilaan ng Bacolod City para sa mga educational scholar

Bacolod City– Naglaan ng kabuuang Php3.44 milyong halaga ng cash aid ang lokal na pamahalaan ng Bacolod City para sa 287 locally-funded scholars na naka-enroll sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa lungsod.

Ang naturang scholarship program ay bahagi sa programa ng Public Employment Service Office o PESO, na may hangaring makatulong sa kasalukuyang mga benepisyaryo na nag-aaral sa 13 paaralan sa lungsod.

Ayon kay PESO Manager Jovelyn Canoy Dato-on, makakatanggap ang mga benepisyaryo ng Php12,000 kada isa kung saan sakop nito ang first semester ng school year 2022-2023.

Dagdag pa niya na sila mismo ang maghahatid ng mga tseke sa mga paaralan ng bawat benepisyaryo.

Sinabi rin ni Dato-on na sinigurado rin ng PESO na ang mga recipient ay talagang kwalipikado at nakapagpasa ng lahat ng mga kinakailangang requirement upang maging iskolar ng lungsod.

Napaloob din sa City Ordinance 102 o ang “Bacolod Educational Scholarship Program” kung saan magbibigay ang lungsod ng financial assistance sa lahat ng mga mahirap at karapatdapat na mga mag-aaral upang makapagtapos at makakuha ng kurso at maging bahagi sa pag-unlad ng lungsod.

Samantala, inaasahan naman ang mga iskolar na magkaroon at mapanatili ang grade point average na hindi bababa sa 85 percent para sa mga degree course habang 80 percent naman para sa mga technical course.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe