Thursday, November 28, 2024

HomeNewsPhp2M halaga ng shabu, nasamsam ng Negros Oriental PNP

Php2M halaga ng shabu, nasamsam ng Negros Oriental PNP

Nakapagkumpiska ng humigit-kumulang na Php2 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang mga operatiba ng Negros Oriental Police Provincial Office sa loob ng dalawang araw ng pinaigting na operasyon nitong linggo.

Sinabi ni PLt Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) noong Mayo 1, 2024, na ang tagumpay ay bunga ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa noong Lunes at Martes sa buong lalawigan ng Negros Oriental.

Batay sa record ng NOPPO, isinagawa ang 10 anti-illegal na operasyon laban pinagbabawal ng gamot na kung saan 12 indibidwal ang naaresto, at may kabuuang 294.6 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa loob ng dalawang araw.

Sa kabuuang halaga, ang pinakamalaking nahuli ay noong Martes ng gabi, nang arestuhin ang dalawang suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Bajumpandan ng nasabing lungsod.

Nakuha sa buy-bust ang humigit-kumulang na 266.58 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halaga ng humigit-kumulang na Php1.8 milyon, ayon kay PLt Polinar.

Ang dalawang suspek ay parehas nasa edad ng 20s at residente ng Sibulan, NegOr, kabilang din ang dalawang suspek sa talaan ng pulisya na High Value Individual.

Kabilang sa matagumpay na police operation ang mga sumusunod: 22 na operasyon laban sa ilegal na sugal na may 38 na naaresto; 43 na operasyon laban sa mga wanted persons na may 43 na mga naaresto; 30 na operasyon laban sa mga loose firearms na may 39 na mga baril na nakumpiska o isinuko; dalawang Oplan Katok na operasyon na may dalawang baril na iniwan para sa safekeeping; at 895 na iba pang mga indibidwal na na-apprehend dahil sa paglabag sa mga ordinansa.

Bukod dito, mahalaga ang papel ng bawat mamamayan sa pagsuporta sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa kriminalidad at pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran ng Bagong Pilipinas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe