Thursday, November 7, 2024

HomeNewsPhp20.9M halaga ng shabu, nasakote ng PNP sa Central Visayas

Php20.9M halaga ng shabu, nasakote ng PNP sa Central Visayas

Halos Php20.9 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng PNP Central Visayas sa loob ng apat na magkakasunod na araw na drug buy-bust operation.

Ito ay resulta ng pagsisikap ng mga tauhan ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO 7) mula Lunes, Mayo 6 hanggang Huwebes ng umaga, Mayo 9, 2024.

Ipinahayag ng PRO 7 sa pamamagitan ng isang post sa kanilang opisyal na social media page, na ang kanilang mga police personnel ay nagawang makakumpiska ng 3,084.88 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang market value na Php20,977,184.

Bukod dito, nahuli rin sa nasabing operasyon ang kabuuang 35 na suspek na sangkot sa droga, kabilang na dyan ang 3,000 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php20.4 milyon na nahuli sa dalawang babae noong Miyerkules, Mayo 8, 2024.

Naganap ang buy-bust operation sa Sitio Kapaping, Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu. Base sa imbestigasyon, natuklasan na ang mga suspek ay maaaring magbenta ng hanggang 5,000 gramo ng ilegal na droga kada linggo sa kanilang mga customer sa Mandaue at Cebu City.

Ang intelligence-driven buy-bust ay isinagawa ng mga tauhan mula sa Lapu-Lapu City Police Station 4 kasama ang City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit at ang Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operations Unit.

Sa kabila ng malaking pagkumpiska na ito, pinuri ni PRO 7 Regional Director Police Brigadier General Anthony Aberin ang mga pagsisikap ng mga yunit na sangkot sa pag-aresto ng mga high-value personalities, dahil makakaapekto nito sa supply at demand reduction ng ilegal na druga sa lungsod.

“Our massive accomplishments in the campaign against illegal drugs are pursuant to the BIDA Program of SILG Atty. Benjamin Abalos Jr. anchored on our collective desire of bringing peace and security in Central Visayas,” pahayag ni Aberin.

Samantala, meron din 40 operasyon laban sa ilegal na sugal na nagresulta sa pag-kaaresto ng 55 indibidwal at pagkumpiska ng Php8,105 sa perang pustahan sa rehiyon sa parehong panahon. Nag-file rin ang pulisya ng 40 kaso para sa ilegal na sugal laban sa mga naarestong indibidwal.

Para sa kanilang kampanya laban naman sa loose firearms, tatlong tao ang napadala sa bilangguan, at tatlong baril ang narekober.

Dagdag pa rito, meron kabuuang 44 na wanted person ang nahuli ng mga pulis sa Central Visayas, kabilang ang anim na itinuturing na most wanted at 38 bilang iba pang wanted person.

Nagpapakita lamang ng determinasyon ang pulisya ng Central Visayas na ipatupad ang batas at ayusin ang kahalagahan ng seguridad at kapayapaan sa bansa tungo sa mas maunlad na Bagong

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe