Nasa kabuuang Php2,749,000 milyong halaga ng pasahod para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD sa bayan ng E.B. Magalona sa lalawigan ng Negros Occidental ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment.
Kabilang sa mga nakatanggap ang nasa 611 vulnerable workers, na pawang mga under-minimum wage, na makakatanggap ng Php4,500 kada isa sa kabuuang 10 araw nilang community service.
Ayon pa ni Mayor Marvin Malacon, ang local at ang national government ay patuloy na nagtutulungan upang makahanap ng paraan para matulungan ang mga displaced at disadvantaged workers.
Ginanap ang payout program nito lamang Huwebes, kung saan binigyan din sila ng lokal na pamahalaan ng personal protective equipment, kabilang na ang mga long sleeve shirt, sombrerong buri, at mga face mask.
Ang pamamahagi ng pondo ay maayos na naisagawa sa inisyatibo ni Mayor Malacon, na siyang nagrequest na mapasama ang kanyang mga nasasakupan sa TUPAD program ng Dole, katuwang si Abang lingcod party-list Representative Joseph Stephen Paduano, na tubong Negrense rin.
Ang TUPAD beneficiaries, ay naatasang maglinis at magsagawa ng clean-up activities sa kani-kanilang komunidad sa apat na oras kada araw hanggang matapos ang itinakdang 10 araw, at makakatanggap ng arawang sahod na Php450.