Cebu City- Kumpiskado ng mga awtoridad ang tinatayang nasa mahigit Php2.5 milyong halaga ng shabu sa isang drug suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Brgy. Duljo-Fatima, Cebu City noong Sabado, Setyembre 24, 2022.
Kilala ng mga awtoridad ang nahuling suspek na si John Carl Gimpayan alyas “Andrew”, 24, residente ng nabanggit na lugar at umano’y kabilang sa watch list ng High Value Individual (HVI), Regional Level.
Sa report ng kapulisan, ikinasa ang naturang operasyon bandang alas-8 ng gabi noong Sabado ng mga operatiba ng Cebu City Police Office na humantong sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakakumpiska ng nasa 375 na gramo ng shabu na may standard drug price na Php2,550,000.00 at buy-bust money.
Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay agad na isinumite ng kapulisan sa Forensic Unit Office 7 para sa pagsusuri.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.