Tuesday, December 24, 2024

HomeJob OpeningsPhp2.4 milyong halaga ng livelihood aid, matatanggap ng mga magsasaka sa Antique

Php2.4 milyong halaga ng livelihood aid, matatanggap ng mga magsasaka sa Antique

Tinatayang nasa Php2.4 milyong halaga ng livelihood aid ang inaasahang matatanggap ng mga magsasaka sa lalawigan ng Antique mula sa Special Area for Agricultural Development (SAAD) program ng Department of Agriculture.

Ayon kay Sonie Guanco ng Department of Agriculture ng Antique, ang nasabing assistance ay nakatakdang ipamahagi sa mga asosasyon ng mga magsasaka sa bayan ng Libertad na isang 5th class municipality sa lalawigan ng Antique.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing programa ang Sitio San Juan FA sa Barangay San Roque para sa kanilang ginger production na may kabuuang project cost na Php690,000; ang Buyo Tinigbas Irrigators Association sa Barangay Tinigbas sa kanilang vegetable production na may Php699,600; ang Lindero Farmers and Laborers Organization sa Barangay Lindero; at ang Codiong Inyawan Green Forest Association sa Barangay Codiong para naman sa chicken layer egg production na may pondong Php1,076,000.

Ang nabanggit na mga benepisyaryo ay navalidate ng Kagawaran ng Agrikultura sa nasabing bayan nito lamang Pebrero 2, 2023.

Samantala lubos namang nagpasalamat ang mga residente sa bayan ng Libertad sa pangunguna ni Mayor Mary Hean Te sa nasabing livelihood program na ibibigay sa kanila.

Dagdag pa ni Mayor Te, lubos na kailangan ng mga magsasaka sa bayan ng Libertad ang nasabing tulong. Anya, “We need the assistance to boost the income of the farmers.”

Ang bayan ng Libertad ay kilala sa iilang mga priority project gaya ng pagtatanim ng luya, sari-saring gulay at chicken layer production.

Sa darating na Marso ngayong taon inaasahang maipamamahagi ang naturang assistance sa napiling mga asosasyon sa nasabing bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe