Sunday, November 17, 2024

HomeNational NewsPhp1M halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint ng bayan ng Leyte

Php1M halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint ng bayan ng Leyte

Tacloban City – Nasabat ng mga pulis ang Php1 milyon halaga ng shabu mula sa riding in tandem sa checkpoint sa kahabaan ng highway sa Babatngon, Leyte nitong Huwebes, Oktuber 27, 2022.

Kinilala ang mga naaresto na sina Reynante Ordoña, 53; at Marlito Dollete, 49, kapwa residente ng bayan ng Carigara at kasama sa listahan ng mga high-value target.

Nasabat ng mga operatiba ng Babatngon Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga shabu bandang alas-12:30 ng tanghali sa District III checkpoint sa bayan ng Babatngon.

Ayon sa pulisya na ang dalawang lalaki ay na-flag down at hiniling na magpakita ng lisensya sa pagmamaneho ngunit nabigong ipakita ito.

Napansin ng mga tauhan ng PNP na kahina-hinala ang kinikilos ni Ordoña at nagtatago ng isang malaking bagay sa ilalim ng kanyang pantalon.

Matapos ang negosasyon, kusa niyang binigay ang kahon at nang buksan ito ay naglalaman ng tatlong transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 150 gramo na may street value na PHP1,050,000.

Itinurn-over ng pulisya sa PDEA ang nakumpiskang substance para sa pagsusuri.

Nakakulong ang mga naarestong suspek sa Babatngon MPS habang sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe