Cebu City – Sa loob ng dalawang araw na magkasabay na operasyon laban sa kriminalidad sa Central Visayas, nasamsam ng pulisya ang mahigit Php17 milyon halaga ng ilegal na druga, kahit na abala ang pulisya sa pagbibigay seguridad sa Palarong Pambansa.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, Spokesperson ng Police Regional Office-Region 7, na 158 suspek ang naaresto mula Hulyo 12 hanggang 14, 2024.
Nakumpiska ng pulisya ang 2.4 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php16.9 milyon at 850 ampules ng pain reliever na Nubain na nagkakahalaga ng Php340,000.
“As we’ve mentioned, while we were securing the Palarong Pambansa 2024, we never stopped in our usual police functions. One of them is the conduct of police operations against drugs and other forms of criminality,” sabi ni PLtCol Pelare.
Sa parehong panahon, isinagawa ng pulisya ang 121 na operasyon laban sa ilegal na sugal, na humantong sa pag-aresto ng 191 gamblers at pagkakasamsam ng Php17,747 gambling money.
Ganito rin ang inilunsad ng pulisya na 110 na operasyon laban sa mga indibidwal na may hawak ng baril nang walang lisensya, na humantong sa pagkumpiska ng 109 na loose firearms.
Lahat ng mga suspek ay naisampa na sa korte, aniya.
Sa pagsasakatuparan ng layunin ng administrasyon na labanan ang korapsyon at ilegal na droga, ang Police Regional Office 7 ay patuloy na naglilingkod at nagpapatupad ng batas para sa ating mga mamamayan upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan tungo sa mas maulad na Bagong Pilipinas.
Source: PNA