Mahigit sampung milyong halaga ng scholarship aid ang ibinahagi para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dependent mula sa Education for Development Scholarship Program (EDSP) ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng Php30,000 kada semester o Php60,000 kada taon.
Ayon kay OWWA 6 Officer-In-Charge, Rizza Joy Moldes, nasa kabuuang 151 iskolar na ang kasalukuyang naging benepisyaryo ng naturang programa, na pwede para sa lahat ng mga dependent ng iba’t ibang aktibong miyembro ng OWWA.
Dagdag pa ni Moldes na mayroon na silang 65 graduates sa taong 2022-2023, at 14 nito ay nagtapos bilang magna cum laude habang 19 naman ang cum laude.
Samantala nito namang ika-12 ng Agosto, nasa Php1.37 milyong halaga naman ng iba pang karagdagang livelihood program, social insurance at scholarship aid ang ibinahagi ng ahensya sa 56 benepisyaryong OFWs sa lalawigan ng Iloilo.