Friday, November 22, 2024

HomeViralPhilippine Eagle na si "Uswag", namatay sa baybayin ng BayBay City

Philippine Eagle na si “Uswag”, namatay sa baybayin ng BayBay City

Inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) nitong Lunes Agosto 5, 2024 ang malungkot na pagkamatay ng lalaking Philippine Eagle na si “Uswag” matapos siyang aksidenteng lumanding sa dagat sa Cebu.

Nangyari ang trahedya mahigit isang buwan matapos mailunsad ang agila sa kabundukan ng bayan ng Burauen noong Hunyo 28 bilang bahagi ng programa ng PEF para sa repopulasyon sa Leyte Island.

Sa isang ulat na inilabas ng PEF, ibinalita na bumagsak at nalunod si Uswag sa baybayin ng Baybay City sa Leyte noong Hulyo 30, batay sa global positioning system (GPS).

Narekober ng mga rumesponde ang bangkay ni Uswag sa tubig ng Pilar, Cebu, noong Agosto 3 matapos ang 42 oras ng paghahanap at pag-recover.

“Ito ay isang napakalungkot na pangyayari na nawala natin si Uswag sa aksidenteng pagkalunod. Siya ay malusog at may ebidensya batay sa mga obserbasyon sa field na siya ay matagumpay na nakapangaso sa ligaw sa mga unang araw matapos ang kanyang paglaya. Sa kasamaang palad, marahil dahil sa mga ulan at hangin na dulot ng habagat, nawalan ng direksyon sa paglipad ang agila at nadala patungo sa dagat,” ayon sa PEF sa kanilang ulat ng insidente.

Walang palatandaan na ang Philippine Eagle ay binaril o nasugatan bago malunod batay sa pagsusuri.

Si Uswag ang ika-9 na kaso ng mga ligaw na agila na aksidenteng bumagsak sa dagat sa bansa. Gayunpaman, siya ang unang muling pinakawalang ligaw na agila at ang una na may GPS tracking device na bumagsak sa dagat.

Ang agila ay isa sa dalawang Philippine Eagle na pinalaya noong Hunyo 28 sa mataas na nayon ng Kagbana, kasama ang babaeng agila na si “Carlito.”

Panulat ni Cami

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe