Tuesday, April 8, 2025

HomeHealthPhilHealth, pinalawak ang benepisyo sa emergency care; Outpatient package, abot na sa...

PhilHealth, pinalawak ang benepisyo sa emergency care; Outpatient package, abot na sa lahat ng miyembro

Mula Pebrero 14, 2025, ganap nang naipatupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) Package, isang benepisyong layuning mapalawak ang access ng publiko sa serbisyong medikal sa oras ng pangangailangan—kahit hindi na kailangang ma-confine sa ospital.

Ayon sa pahayag na ipinadala ng PhilHealth noong Abril 4, bukas ang OECB Package sa lahat ng miyembro ng PhilHealth, kabilang ang kanilang legal na dependents, at maaaring magamit sa alinmang accredited hospital sa buong bansa, mula Level 1 hanggang Level 3 facilities.

Layunin ng programang ito na matugunan agad ang mga urgent at emergent cases mga kondisyong nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Sa ilalim ng bagong patakaran, hindi na kinakailangang ma-admit ang pasyente upang makinabang sa benepisyo.

Nilinaw din ng PhilHealth sa kanilang Advisory 2025-0009 na hindi na kailangan ng karagdagang accreditation mula sa mga ospital para makapagbigay ng OECB, dahil saklaw na ito ng kasalukuyang accreditation ng mga ito.

Para naman sa mga pasyenteng na-admit sa emergency room matapos ang rollout ngunit hindi agad nakinabang sa package, pinapayagan silang maghain ng claim para sa reimbursement, batay sa inilabas na Advisory 2025-0017. Saklaw pa rin sila ng benepisyo basta’t tugma sa umiiral na guidelines.

Bahagi rin ng bagong sistema ang Essential Emergency Care List (EECL), na naglalaman ng mga serbisyong sakop ng OECB at fixed fee schedule upang matiyak ang malinaw at patas na proseso sa billing at claims.

Sa patuloy na pag-upgrade ng mga serbisyo, layunin ng PhilHealth na masiguro ang mas mabilis at abot-kayang tulong-medikal para sa bawat Pilipino, lalo na sa mga sandaling labis itong kinakailangan.

Source: CAV/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]