Friday, November 22, 2024

HomePersons Deprived of Liberty, nakatanggap ng serbisyong Medical

Persons Deprived of Liberty, nakatanggap ng serbisyong Medical

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Northern Samar kasama ang Northern Samar Medical Society at Philippine Nurses Association Inc. Northern Samar Chapter ay nagsagawa ng Medical Mission for Persons Deprived of Liberty (PDL) noong Pebrero 26, 2023 sa Northern Samar Provincial Jail sa Brgy. Dancalan, Bobon.

Nakatanggap ng serbisyong medikal ang halos 300 persons deprived of liberty (PDL) sa Northern Samar Provincial Jail. Tinutugunan ng medical mission ang mga karaniwang sakit at pangangailangang pangkalusugan ng mga PDL tulad ng ubo, sipon, at altapresyon.

Kaisa sa pananaw ni Gobernador Edwin Ongchuan ang mga doktor, nurse, at kawani mula sa Provincial Health Office (PHO)/Northern Samar Provincial Hospital (NSPH) at PNA Northern Samar Chapter na bukas-palad na nagbibigay ng kanilang oras upang magbigay ng tulong medikal sa mga PDL upang matiyak ang kanilang pangunahing pangangailangang pangkalusugan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe