Monday, January 27, 2025

HomePoliticsGovernment UpdatesPBBM, namahagi ng P136 milyon na tulong sa Silangang Visayas

PBBM, namahagi ng P136 milyon na tulong sa Silangang Visayas

Umabot sa kabuuang P136 milyon ang naipamahagi ng gobyerno sa Silangang Visayas, kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palo, Leyte at Calbayog City, Samar para sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang naapektuhan ng El Niño phenomenon.

Ang nasabing pondo ay ibinigay ng Pangulo sa mga gobernador ng mga probinsya ng Samar (P50 milyon); Northern Samar (P25.99 milyon); Eastern Samar (P19.30 milyon); at Leyte (P17.02 milyon).

Tumanggap din ng P10.31 milyon ang Southern Leyte habang P13.68 milyon naman ang ibinigay na tulong ng Pangulo sa Biliran Province.

Ayon sa Presidential Communications Office, tatlong local government units sa Silangang Visayas ang labis na nakaranas ng El Niño na nakaapekto sa halos 20,000 pamilya at umabot sa P23 milyon ang halaga ng nawasak na mga pananim.

Umabot sa 504 na mga magsasaka ang naapektuhan ng El Niño sa mga probinsya ng Samar, Biliran, at Leyte.

Namigay din ang Pangulo ng tig-P10,000 cash sa mahigit 8,000 na mga benepisyaryo sa Samar sa ilalim ng Ayuda sa Kapos na Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development.

Namahagi rin siya ng tig-P10,000 cash sa 1,500 na mga benepisyaryo sa Leyte, Southern Leyte, at Biliran sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Samantala, namigay naman si House Speaker Martin Romualdez ng tig-labinglimang kilo ng bigas sa bawat benepisyaryo sa Samar at Leyte.

Sinisiguro ng gobyerno na maging ligtas, masiguro ang kapakanan ng mamamayan at maiangat ang ating bansa sa anumang balakid. 

-Panulat ni Rims 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe