Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ASEAN Australia Summit sa Melbourne, Australia, nakuha nya ang pangakong pamumuhunan na umabot sa USD1.5 bilyon o katumbas ng Php86 bilyon.
Sa Philippine Business Forum na dinaluhan ng Pangulo, inaanyayahan niya ang mga negosyanteng Australyano na isaalang-alang ang Pilipinas bilang lugar ng kanilang pamumuhunan.
Ayon kay Pangulong Marcos, may mga reporma ang pamahalaan upang gawing mas madali ang pag-aasikaso ng negosyo sa bansa, kabilang na ang pagsasaayos sa Public Service Act, Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act, at Renewable Energy Act.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos, “Ito ay isang bagong mundo, isang bagong ekonomiya, at isang bagong pandaigdigang ekonomiya na kailangan nating pagtuunan ng pansin hindi lamang sa sektor ng negosyo, hindi lamang sa pribadong sektor, hindi lamang sa sektor ng pinansya kundi pati na rin sa ating lehislatura upang baguhin, upang gawin ang mga napakahalagang pagbabagong istraktural na kinakailangan para sa atin upang makapag-adjust sa bagong pandaigdigang ekonomiya matapos ang pandemya.”
Source: untvnewsandrescue https://www.tiktok.com/@untvnewsandrescue/video/7342651464411630850?_r=1&_t=8kPmowSaYAj