Friday, January 10, 2025

HomeNewsPBBM, binigyang diin ang problema sa dobleng buwis sa pagitan ng Pilipinas...

PBBM, binigyang diin ang problema sa dobleng buwis sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia

Nagpahayag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes na ginagawan ng solusyon ng pamahalaan ang problema sa dobleng buwis sa pagitan ng Cambodia at Pilipinas.

“Matiyaga tayong gumagawa ng solusyon sa isyu ng dobleng buwis sa pagitan ng ating dalawang bansa,” pahayag ni Pangulong Marcos kay Cambodia Prime Minister Hun Manet sa kanilang pagpupulong sa ika-50 Australia-ASEAN Special Summit sa Melbourne.

“Nais kong tiyakin sa inyo na ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang maresolba ito. Hindi natin maaaring pabayaan ang ganitong sitwasyon, lalo na kung tayo’y nag-uusap ng pagpapalakas ng kalakal sa pagitan ng Cambodia at Pilipinas,” dagdag pa niya.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos kay Cambodian Prome Minister Hun na makakahanap ang gobyerno ng maayos na solusyon.

Noong 2018 unang nagkaroon ng diskusyon ang Pilipinas at Cambodia hinggil sa kasunduang dobleng buwis sa Maynila, at nagpatuloy ang mga pagsisikap sa mga sumunod na taon.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga residente ng isang bansa na tumatanggap ng kita sa isa pang kontratang estado, ay hindi na bubuwisan nang dalawang beses para sa parehong kita, ari-arian o investment.

Bukod dito, nagbibigay rin ito ng mga pribilehiyo o preferensyal na mga rate ng buwis.

Ang kasunduan ay naglalayong pigilin ang pandaraya sa buwis at magpalakas ng dayuhang kalakal at investment sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Prime Minsiter Hun na magtatrabaho rin ang kanyang pamahalaan sa isyu, habang patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang Phnom Penh upang mapabuti ang sistema ng kalakal at pamumuhunan.

Source: PNA

Photo Courtesy by PCO

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe