Sunday, July 7, 2024

HomeNewsPanibagong kaso ng pagpatay sa lungsod ng Calbayog, naitala

Panibagong kaso ng pagpatay sa lungsod ng Calbayog, naitala

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa Diversion Road, Purok 3 Brgy. Guinbaoyan Norte, Calbayog City, Samar bandang alas 11:20 ng umaga nitong Linggo, April 30, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jerry Buracan Magbutay alyas “Eday”, 39 anyos, may kinakasama, walang trabaho at residente ng Purok 1, Brgy. Guinbaoyan Sur, Calbayog City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Calbayog City Police, habang nakaupo ang biktima sa improvised cockpit arena nang biglang sumulpot ang gunmen sa likuran ng biktima, dala ang hindi natukoy na kalibre ng baril ay agad na nagpaputok ang suspek na nagresulta ng tama ng bala sa likod ng biktima.

Nagawa pang makatakas ng biktima mula sa suspek ngunit nang makarating ito sa diversion road ng naturang barangay na nasa 150 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente ay nadulas ito kung kaya’t pinagbabaril pa ito ng ilang beses ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang dalawang hindi nakilalang mga suspek matapos ang nasabing pamamaril.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Calbayog City Police para sa agarang pagtukoy sa pagkakakilanlan at posibleng pag-aresto sa mga suspek.

Batay sa datos ay patuloy na lumulubo sa halos mahigit 300 ang bilang ng mga unresolved cases ng pagpatay ang naitatala sa lungsod mula 2010 hanggang kasalukuyan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe