Saturday, January 11, 2025

HomeNewsPangakong pabahay para sa mga dating rebelde sa bayan ng San Jose...

Pangakong pabahay para sa mga dating rebelde sa bayan ng San Jose De Buan, sisimulan na

Ganap nang sisimulan ang konstruksyon ng proyektong pabahay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar para sa mga tinaguriang ‘peace builders’ sa bayan ng San Jose De Buan.

Ito’y makaraang isagawa na ang Ground Breaking Ceremony nitong Agosto 18 na dinaluhan mismo ni Regional Peace and Order Council Chairman at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng Php4 Million ay handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar sa pangunguna ni Governor Ann Tan sa lokal na pamahalaan ng San Jose De Buan sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Joaquin Elizalde.

Ang nasabing groundbreaking ceremony ay dinaluhan nina Samar Vice Gov Arnold Tan, DSWD RD Grace Subong, 801st Brigade Commander Leinart Lelina, 87th IB Commanding Officer LTC Jun Betinol, OPOPRU Samar Area Manager Emilda Bonifaci at mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Inaasahang nasa labimpitong (17) mga dating miyembro ng New People’s Army ang unang magbebenispisyo sa naturang programa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe