Saturday, October 5, 2024

HomeNewsPampasaherong Bangka na nasiraan sa laot ng Western Samar, nirescue

Pampasaherong Bangka na nasiraan sa laot ng Western Samar, nirescue

Sa hindi inaasahan, isang pampasaherong motorbanca ang nasiraan ng makina sa laot ng karagatan ng Western Samar kahapon Mayo 28, 2023.

Base sa mga awtoridad, ang nasabing motorbanca ay ang MBCA GWEYNHOPE na nagkaprobleman sa makina na tinatawag na faulty fuel injection pump.

Ang nasabing bangka ay nasa karagatan ng Kamndang, Sto. Nino Western Samar. Kaya agad namang rumesponde ang local na pamahalaan ng Sto. Nino Rescue Boat na siyang humila sa pampasaherong bangka pabalik ng Calbayog City.

Ito ay may sakay na labing limang pasahero at anim na crew. Wala namang naitalang nasaktan.

Nagpapasalamat naman ang mga pasahero sa Sto. Nino MPS, Coast Guard, CDRRMO, PNP Maritime Group, Samar EOD K9, at Kabalikat Civicom 427 sa tulong sa paghila ng nasabing bangka para maibaba pabalik ang mga pasahero sa Calbayog City.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe