Nakatanggap ng tulong ang pamilya ng isang dating rebelde mula sa 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company na iginawad sa Darangpan Center, Brgy Dalakit, Catarman, Northern Samar nito lamang Biyernes, Agosto 12, 2022.
Ang nasabing pamilya ay nakatanggap ng sampung kilong Bigas at iba pang grocery items.
Bahagi ang mga nasabing tulong sa kanilang pagbabalik sa komunidad upang mamuhay ng normal.
Layunin ng kompanyang ito na matulungan ang pamilya ng mga dating rebelde habang ito ay sumasailalim sa E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program.