Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsPamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng mga...

Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng mga estudyanteng naaksidente at nasalpok ng sasakyan sa Salcedo Eastern Samar

Personal na binisita ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang pamilyang naulila ng dalawang estudyanteng namatay sa isang aksidente sa Salcedo Vocational High School nitong nakaraang araw.

Matatandaang dalawang estudyante ang patay habang sampung iba pa ang sugatan matapos salpukin ng pick up vehicle sa highway tapat ng Sacedo Vocational High School, sa Brgy. Naparaan Salcedo, Eastern Samar.

Ayon kay Police Captain Julio Quilbio, Hepe ng Salcedo MPS, nakaidlip ang driver habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan, dahilan para lumihis ito patungo sa kaliwang lane at dumiretso sa mga biktimang kalalabas lang ng paaralan habang naglalakad sa may railings ng highway habang papauwi at ang iba pa ay nag-aabang ng masasakyan.

Ang driver ay kaagad inaresto at tuluyan nang kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at multiple serious physical injuries.

Kasama ng Gobernador si Vice Governor Maricar Sison-Goteesan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay nagpaabot ito ng taus-pusong pakikiramay at nag-abot din ito ng tulong pinansyal sa pamilya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe