Wednesday, December 25, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPamahalaang Panlalawigan ng Cebu, gagastusan ang pag-aspalto sa mga hindi natapos na...

Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, gagastusan ang pag-aspalto sa mga hindi natapos na proyekto sa kalsada sa Mandaue

Nagkasundo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu at Department of Public Works and Highways (DPWH) na gagastusan nito ang pag-aspalto sa hindi pa tapos na junction road sa UN Avenue, Mandaue City, Cebu.

Ayon kay Gov. Gwendolyn Garcia, ang hindi natapos na road project sa UN Avenue ay nagdudulot lamang ng abala at pag-aalala sa mga motorista at turista na dumadaan sa lugar mula Lapu-Lapu City hanggang Cebu City at iba pang lugar sa lalawigan ng Cebu.

Ang proyekto sa kalsada ay sinimulan ng DPWH na may pondo mula sa National Government, ngunit natigil ito dahil sa mga legal na isyu sa kontraktor.

“We found out that that project has been stopped. It seems that they are in limbo there…So in the meantime, trying to show kung sinong matigas, tayong lahat ang nalalata. Kitang lahat ito ang nahasol while they’re in a stalemate. Maayo unta’g mag stalemate na sila nga sila ra’y mag antos among-among. Kana ilang stalemate naamong ang buong publiko hasta pang imahe sa Sugbo,” ani Garcia noong Lunes, Nobyembre 14, 2022.

Upang matugunan ang problema, sinabi ni Garcia na maglalaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng pondo para sa pag-aspalto ng may 100 metrong haba at 30 metrong lapad na kalsada.

“Kaya sinabi ko sa kanila na i-compute ang gastos at sasagutin ito ng Kapitolyo. Tumulong kayo sa pagbibigay ng kagamitan, dahil may payloader lang sila. Humingi kami ng tulong sa mga quarry permittees natin sa Consolacion at dapat magpasalamat tayo sa kanilang kontribusyon partikular sa backfilling,” Ani Garcia.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe