Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsPamahalaang Lalawigan ng Cebu, nais na ibalik ang Ingles at GMRC sa...

Pamahalaang Lalawigan ng Cebu, nais na ibalik ang Ingles at GMRC sa public-school curriculum

Nais na ibalik ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu sa mga pampublikong paaralan ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo at ang asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC).

Inatasan ni Gobernador Gwendolyn Garcia ang Provincial School Board (PSB) na pag-aralan ang posibilidad ng pag-uutos sa mga pampublikong paaralan na gamitin ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo at pagtuturo ng asignaturang GMRC sa Kindergarten hanggang sa Senior High School.

Itinalaga ng PSB si Provincial Board Member Raymund Calderon na mamuno sa isang technical working group na bubuuin ng mga opisyal mula sa Department of Education, mga opisyal ng paaralan mula sa provincial at city school divisions, mga miyembro ng League of Municipalities of the Philippines-Cebu chapter at mga kinatawan ng pribadong sektor.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang paggamit ng Ingles ay maaaring mapabuti ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

“Ginagamit namin ang sariling wika para turuan ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Baitang 3, Tagalog para turuan ang Baitang 4 hanggang Baitang 6 at Ingles para ituro ang Baitang 7 hanggang Baitang 12. Nalilito ang ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan dahil palagi silang pinag-eeksperimentohan,” mesahe ni Garcia sa report na ibinigay ng Public Information Office ng lungsod.

Bukod sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo, nais din ng PSB na buhayin ang asignaturang GMRC upang maturuan ng magandang asal ang mga mag-aaral.

Naobserbahan nila na ang mga mag-aaral ngayon ay mas na-expose sa social media at natuto ng masamang asal sa pamamagitan ng mga video at online video games.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1944772/cebu/local-news/province-wants-english-gmrc-back-in-the-public-school-curriculum

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe