Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsPagwasak ng mga Confiscated Modified Mufflers, isinagawa

Pagwasak ng mga Confiscated Modified Mufflers, isinagawa

Idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng Iloilo City katuwang ang Iloilo City Police Office (ICPO) at Iloilo City Traffic Management Unit (ICTMU) ang isang Ceremonial Destruction of 157 Confiscated Modified Mufflers sa New Freedom Grandstand, Iloilo City nito lamang ika-17 ng Mayo 2024.

Ang pagwasak ng mga modified mufflers ay alinsunod sa paglabag sa Regulation City Ordinance 2023-071.

Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng iba’t ibang opisyal at ahensya kabilang sina Iloilo City Mayor Hon. Jerry P. Treñas, kinatawan mula sa Iloilo City Police Office (ICPO), Land Transportation Office (LTO), Public Safety and Management Office (PSCMO), Iloilo City Proper Management Unit (ICPMU), Business Permits and Licensing Office (BPLO), mga Konsehal ng Lungsod, at iba pang miyembro ng Lokal na Pamahalaan ng Iloilo City.

Ang pagwasak ng mga confiscated modified mufflers ay bahagi ng mas malawakang kampanya ng pamahalaang lokal laban sa mga nakakabahalang ingay mula sa mga sasakyan na may modified muffler, na nagdudulot ng kaguluhan at perwisyo sa mga residente.

Sa pamamagitan ng striktong pagpapatupad ng City Ordinance 2023-071, layunin ng Iloilo City na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.

Pinuri ni Mayor Jerry P. Treñas ang kooperasyon ng iba’t ibang ahensya at mga residente sa pagsuporta sa kampanyang ito.

“We do not tolerate these modified mufflers that cause disturbance to the community. To those who’s selling them, be warned that we will visit your shops, and if enough evidence is gathered that you are selling modified mufflers, we will immediately close your shop. We do not tolerate any violation of this ordinance”, saad ni Mayor Treñas.

Nagtapos ang seremonya sa isang mensahe ng pagpapahalaga at paghihikayat mula sa alkalde na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan para sa isang mas tahimik at maayos na Iloilo City.

Ang tagumpay ng kaganapang ito ay nagpapakita ng matibay na pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan ng Iloilo City sa kanilang adhikain para sa mas progresibong komunidad.

Source: PCADG WESTERN VISAYAS

Panulat ni Justine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe