Wednesday, December 25, 2024

HomeRebel NewsPagsuko ng mga former rebel sa Antique, inaasahang magpapasigla sa industriya ng...

Pagsuko ng mga former rebel sa Antique, inaasahang magpapasigla sa industriya ng turismo

Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Antique na hindi lamang kapayapaan ang maidudulot ng sunud-sunod na pagsuko ng mga rebelde sa probinsya, kundi pati na rin ang paglago ng industriya ng turismo sa nasabing lokalidad.

Ayon kay Antique Vice Governor Edgar Denosta, ang boluntaryong pagsuko ng mga former rebel sa pamahalaan ay isang malaking hudyat upang makamit ang kapayapaan at sigla ng turismo at negosyo sa probinsya.

Nito lamang Martes, namahagi ang lalawigan ng financial assistance at relief goods sa kabuuang 39 former rebel na sumuko nitong taon.

Dagdag pa ni Denosta na kabilang sa mga benepisyaryo ng financial assistance ay mga residente ng Barangay Imparayan, Igpanulong, at Cabladan, kung saan ideneklarang bahagi sa Sibalom Natural Park sa bisa ng Republic Act 11038 at binuksan para sa mga turista simula noong Marso 1 nitong taon.

Ang nasabing natural park ay tahanan ng endemic na mga hayop at halaman gaya ng Rafflesia, Visayan Warty Pig, Visayan Tarictic Hornbill, at Visayan Spotted Deer.

“With the peace and order in these barangays, the tourists will be interested to see also the beautiful views and be willing to spend money for their food and souvenirs during their stay there,” dagdag pa niya.

Ayon naman sa DSWD 6 (Western Visayas) ang naturang financial assistance na nagkakahalaga ng Php5,000 ay bahagi sa programa ng ahensya kada anim na buwan bilang karagdagang suporta bukod pa sa iba pang mga technical assistance na natatanggap ng benepisyaryong mga former rebel.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe